
Flawless and perfect ang kadalasan nating tingin sa face and skin ng ilang Kapuso beauties. Pero kagaya ng marami, doble effort din sila para mapangalagaan ang sarili, lalo na ngayong summer.
Isa na diyan ang ageless beauty na si Jean Garcia na sinusundan ang Korean 10-step skin care regimen.
Ayon sa kaniya, “May mga beauty regimen akong sinusundan. Mga face masks, parang kumo-Korea lang, juma-Japan.
“Kasi ako nagfe-facial mask ako everyday. As much as possible talaga every night. Para moisturized 'yung face.”
Isa pang tip, ani ng Kapuso actress, ay ilagay ang facial mask sa loob ng fridge bago ilagay sa mukha.
“Ilagay mo sa loob ng ref 'yung mask.
“Para after washing your face, ilagay mo 'yung mask. And then after 30 minutes, ilagay mo na kung ano man 'yung nilalagay mong moisturizer sa face mo.”
Iyan at iba pang tips to keep your skin healthy and fresh this summer sa ulat ni Luane Dy:
WATCH: Jean Garcia reveals secret to staying fit and healthy
Beauty Fridge: The new tool you need to invest in