
Matapang na nagtanggal ng makeup si Kapuso actress Bianca Umali at ipinakita ang kanyang bare face sa digital feature ng isang leading lifestyle magazine.
Ibinahagi din dito ni Bianca ang kanyang technique para maging matipid sa makeup wipes.
Tinutupi daw niya ang wipe para magamit ang parehong side nito.
"I limit myself to using two, maximum. I usually fold them para tipid and less waste," paliwanag ni Bianca.
"I use the second wipe for mga natira na konti. Ayaw kong nagsasayang ng maraming wipes kasi lagi akong nauubusan," dagdag pa niya.
Panoorin ang pagtatanggal ni Bianca ng makeup dito:
Isa si Bianca sa mga artistang featured sa cover ng March 2020 issue ng Preview Magazine.
Nakatakda din siyang lumabas sa HBO Asia dark fantasy thriller series na Halfworlds at sa upcoming GMA series na Legal Wives.