
Kahit 15 years old pa lamang ang Kapuso child star na si Mona Louise Rey ay malaki na agad ang followers niya sa social media.
Sa katunayan, mayroon na siyang one million followers sa kanyang official Instagram account.
Nitong Huwebes, April 16, nag-post ang young actress ng kanyang selfie. Kitang-kita ang natural niyang ganda na pinabongga pa ng cute makeup niya.
Simple lamang ang post pero pinagkaguluhan ito ng kanyang libu-libong fans.
Sa comment section ng naturang post, marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa ganda ni Mona Louise
Wala pa mang isang araw matapos niyang i-post ang kanyang selfie, umani na agad ito ng mahigit 100,000 likes at ay may mahigit 89,600 likes at mahigit 2,000 comments.
Samantala, malakas din ang fanbase ni Mona sa YouTube dahil ang personal niyang channel ay nakalikom na ng mahgit 976,000 subscribers mula nang maging aktibo noong 2018.
Ang kanyang hit vlog ay mayroon nang mahigit two million views.
Mona Louise Rey pokes fun at her mom's new YouTube channel
LOOK: Mona Louise Rey is just as beautiful as her sister Ivana Alawi
IN PHOTOS: Kapuso child star Mona Louise Rey, Ivana Alawi's sister, is all grown up!