GMA Logo Jennica Garcia
Photo by: Jennica Garcia (IG)
Celebrity Life

Jennica Garcia shares 'glow up' journey

By Aimee Anoc
Published November 25, 2021 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NLEX offers free toll on Christmas, New Year
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jennica Garcia


"Nahihiya akong humarap sa mga katrabaho ko. Ang kikinis ng mga kasama ko. Hindi na ako mukhang artista." - Jennica Garcia

Malaki ang naging epekto sa mental state ni Jennica Garcia ang naranasang mabibigat na pagsubok ngayong taon.

Inamin ni Jennica na talagang bumagsak, hindi lang ang kanyang mental health kundi maging ang kanyang kumpyansa sa sarili.

Nagsimula ang lahat ng ito noong Marso kung saan inamin ni Jennica na hiwalay na sila ng estranged husband na si Alwyn Uytingco. Gayundin, sa kaparehong buwan, pumanaw ang lola nito dahil sa COVID-19.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jennica ang unang buwan niya sa lock-in taping para sa GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas. Dito, ikinuwento ng aktres kung paano siya muling nakabangon at nagkaroon ng tiwala sa sarili.

"I can still recall my first day at work (Las Hermanas). I would hide in a portable toilet [and] I would put makeup on my arms. I had uneven skin tone. My upper arm, from elbow up, is lighter because I always wear large T-shirts."

"I was battling my emotions. I didn't want my tears to fall. It was an everyday battle. I have to be professional," pagbabahagi ng aktres.

Ayon kay Jennica, dumating din siya sa punto na nahihiya siyang humarap sa kanyang co-stars dahil ang tingin niya sa sarili ay "hindi na mukhang artista."

"Nahihiya akong humarap sa mga katrabaho ko. Ang kikinis ng mga kasama ko, nahihiya ako sa kanila," sabi niya.

Kaya naman ipinangako ni Jennica sa sarili na sa unang sahod ay ibibili niya ang sarili ng skincare products. Gayundin, humingi siya ng tulong sa propesyunal para sa kanyang mental health.

Matapos ang ilang buwang pag-aalaga sa sarili, bumalik ang kumpyansa ni Jennica sa sarili na napansin din ng kanyang mga kamag-anak.

"They would always say 'Grabe 'yung glow up!' Tumatawa lang ako, hindi ako naniniwala. Naisip ko, dahil alam nila ang istorya ng buhay ko, kaya sinasabi nila 'yun. Tinutulungan nila ako na bumalik ang kumpyansa ko sa sarili ko. Pero sa isip ko, hindi sila nagsasabi ng totoo, mahal lang nila ako.

"Hanggang sa nakita ko ang photo na ito. Malaki na nga ang pinagbago. Nagbunga 'yung paghilod-hilod ko sa shower. Humaba na rin ang buhok ko at hindi na rin ako madaling maiyak," pagtatapos ni Jennica.

Samantala, tingnan sa gallery na ito ang buhay ni Jennica Garcia bilang isang ina: