
Naiuwi ng professional figure skater at Sparkle actress na si Skye Chua ang bronze para sa Senior Women category sa naganap na 2024 Southeast Asia (SEA) Open Figure Skating Trophy noong July 27-29 sa SM Mall of Asia International Skating Rink.
Nasungkit ng Filipino-American figure skater na si Sofia Frank ang gold para sa Senior Women category, habang ang nakakuha naman ng silver ay si Kelly Elizabeth Supangat mula sa Indonesia.
Sa ikalawang araw ng kompetisyon, bumisita ang Sparkle actress at dating competitive figure skater na si Ashley Ortega kasama sina Roxie Smith at Shuvee Etrata, na all-out ang support para kay Skye.
Matatandaan na nagkasama ang apat na Sparkle stars sa figure skating series na Hearts On Ice noong nakaraang taon.
SAMANTALA, MAS KILALANIN SI SKYE CHUA SA GALLERY NA ITO: