Allen Ansay at Sofia Pablo nagpasaya ng kanilang fans sa Laguna

Dinumog ng kanilang fans at mga taga-suporta ang Sparkle sweethearts na sina Allen Ansay at Sofia Pablo o mas kilala rin bilang Team Jolly sa kanilang isinagawang meet and greet sa isang mall sa Laguna.
Ang nasabing meet and greet ay pinangunahan ng ineendorsong local fashion and clothing brand ng dalawa.
Sa Instagram, nagpasalamat sina Allen at Sofia sa lahat ng nakisaya sa kanilang event.
“Meet and greet day! Super enjoyed our second BENCH/ meet and greet. Thank you @benchtm @bcbench Maraming salamat sa lahat ng mga taga Laguna na nakisaya kanina! See you again next time BENCH/ babies!” caption ni Sofia sa kaniyang post.
Post naman ni Allen, “Maraming salamat Laguna! Maraming salamat @benchtm @bcbench sa experience! Maraming salamat sa pagmamahal at suporta mga Lagunense! See you again next time BENCH/ babies!”
Silipin ang mga naging kaganapan sa nasabing meet and greet sa gallery na ito:





