Jillian Ward, humakot ng awards sa Sparkle Spell 2023

Busy man sa taping para sa ongoing hit GMA series na 'Abot-Kamay Na Pangarap,' hindi nagpahuli si Jillian Ward sa Sparkle Spell 2023.
Isa si Jillian sa talaga namang inabangan ng marami sa engrandeng Halloween party.
Suot ang kanyang dark angel costume, rumampa ang young actress sa black carpet ng Xylo at The Palace sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Bukod kay Jillian, present din sa party ang ilan sa kanyang co-stars sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Samantala, humakot ng awards ang tinaguriang Star of the New Gen sa naturang event.
Silipin ang kanyang looks at alamin ang natanggap niyang awards sa gallery na ito.







