
Bumuhos ang pagbati ng mga Bubble Gang stars para sa Kapuso comedian/host na si Betong Sumaya na nagdiwang ng kaniyang kaarawan kahapon, November 21.
EXCLUSIVE: Betong Sumaya, may revelations sa anniversary episode ng 'Bubble Gang'
Ibinahagi ng dancer-turned-actress na si Lovely Abella ang sweet message niya sa Bubble Gang co-actor via Instagram.
Ayon kay Lovely, sobra siyang humahanga sa galing ni Betong sa pagpapatawa.
Wika niya, “Isa sa mga taong iniingatan at mahal ko HAPPY HAPPY BIRTHDAY sayo @amazingbetong.. Isa ka sa hinahangaan ko sa kabila ng pagpapatawa mo, alam ko kung ano ang mga pinagdadaanan mo, at alam kung kaya mo yan dahil kasama natin si LORD, basta im always here for you kahit makulitan ka pa sakin.. Stay healthy kasi for sure atin ang 2019 kaya magready kana.. love you Givie”
May post din ang Pambansang Abs na si Jak Roberto para sa Kuya Betong niya sa Instagram Stories.
Nakilala si Betong matapos manalo sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown taong 2011. Ginampanan din niya sa Bubble Gang ang isa sa mga iconic na character sa gag show na si Antonietta.
Happy birthday and we wish you all the best, Kapuso Betong!