GMA Logo Kylie Padilla Alas Joaquin Axl Romeo
Celebrity Life

Kylie Padilla, bumawi sa kaniyang mga anak na sina Alas at Axl

By Abbygael Hilario
Published April 9, 2023 10:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US ICE to deport Filipino detainee to PH —DFA
Check out the looks Cyrille Payumo has served at Miss Charm so far
#WilmaPH floods areas of Balamban, Asturias towns in Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla Alas Joaquin Axl Romeo


Talaga namang sinulit ni Kylie Padilla ang bakasyon ngayong Holy Week upang makasama ang kaniyang mga anak na sina Alas at Axl.

Pinili ng Mga Lihim ni Urduja star na si Kylie Padilla na mag out-of-town bonding at nature trip ngayong Holy Week kasama ang kaniyang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Sa Instagram, ibinahagi ang Kapuso actress ng ilang mga larawan na kuha mula sa kanilang camping adventure sa Sagada, Mountain Province.

Makikita sa kaniyang post kung gaano kasaya ang kaniyang dalawang anak sa kanilang simpleng bakasyon.

“Where we find alignment,” sulat niya sa kaniyang caption.

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)

Ayon kay Kylie, ito ang kaniyang paraan upang bumawi sa kaniyang mga anak.

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)

Isa si Kylie sa mga bida ng mythical primetime mega serye na Mga Lihim ni Urduja kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Gemma Davino, isang matapang na rookie cop na gagawin ang lahat upang mahanap ang mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez).

Samantala, mapapanood din si Kylie bilang si Lucy sa 2023 Metro Manila Summer Film Festival entry na Unravel kung saan kasama niya ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson na gumaganap naman bilang si Noah. Tampok sa pelikulang ito ang unique love story nilang dalawa na nangyari sa Switzerland.

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)

ALAMIN ANG SIYAM NA RASON KUNG BAKIT DAPAT PANOORIN ANG UNRAVEL SA GALLERY NA ITO: