GMA Logo Scottie Thompson and Jinky Serrano
Celebrity Life

Scottie Thompson shares sneak peek of his upcoming baby's nursery room

By EJ Chua
Published May 3, 2023 10:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Scottie Thompson and Jinky Serrano


Scottie Thompson sa soon-to-be baby nila ni Jinky Serrano: “Favorite tambayan ko paglabas mo anak.”

Ready na ang PBA Star na si Scottie Thompson at ang kanyang asawa na si Jinky Serrano sa nalalapit na paglabas ng kanilang first baby.

Kamakailan lang, ipinasilip ni Scottie sa kanyang Instagram stories ang itsura ng nursery room ng kanilang soon-to-be baby.

Makikita sa larawan na maaliwalas ito at puno na ng mga gamit pang baby, gaya ng crib, mga damit, mga sapatos, mga laruan, at marami pang iba.

Mababasa naman sa story ni Scottie ang kanyang caption na, “Favorite tambayan ko paglabas mo anak.”

January 2023 nang ianunsyo ng basketball player na six months ng nagdadalang-tao ang kanyang partner.

Ayon sa kanyang Instagram post tungkol dito, “Grace overflowing. I'm so excited to meet the person who is half me and half you. One of God's greatest blessings is on its way, I love you both #6monthsPreggy.”

Bago ang naturang good news tungkol sa kanilang upcoming baby, matatandaang dalawang beses ikinasal noong 2021 sina Scottie at Jinky.

Una ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng isang private civil wedding ceremony.

Makalipas ang halos anim na buwan, naganap naman ang kanilang dream beach wedding sa Davao.

SILIPIN ANG POST-NUP PHOTOS NINA SCOTTIE THOMPSON AT JINKY SERRANO SA GALLERY SA IBABA: