
Bago ang Mother's Day ngayong darating na Linggo, isang mahalagang okasyon ang ipinagdiwang ng vlogger at celebrity mom na si Trina Candaza. Ito ay walang iba kundi ang kaniyang 27th birthday.
Sa Instagram post ni Trina nitong Lunes, May 8, kasama nito sa isang date ang baby girl niya na si Enola Mithi sa The Peninsula Manila.
Sa caption, taos-puso ang pasasalamat ng single mom sa lahat ng tao na nakaalala ng kaniyang kaarawan.
Dagdag pa nito na isang regalo na para sa kaniya ang magkaroon ng “peaceful birthday.”
Post niya, “Thank you to everyone who greeted me! Thank you for all the love."
“Mithi enjoyed our high tea birthday celebration. I hope I will be able to give you the finest things in life anak. A calm and peaceful birthday is already a gift. Happy 27th to me”
Dating karelasyon ni Trina Candaza ang aktor na si Carlo Aquino ngunit naghiwalay sila noong 2021. Na-link si Carlo sa kapwa niya aktor na si Charlie Dizon noong panahong kumalat ang bali-balita na hiwalay na sila ni Trina.
Sa panayam ni Mommy Trina sa vlogger-manager na si Ogie Diaz, sinabi nito na hindi nito sinasara ang kaniyang pinto na magkaroon uli ng karelasyon.
Paliwanag niya kay Ogie, "Pinagdadasal ko 'yan. Sabi ko kung hindi para sa akin 'yung lalaki, 'wag ko nang ma-meet, 'wag na mapunta sa buhay ko. Kasi ayaw ko na ng heart break."
"Sana kung may darating na lalaki, sana 'yun na siya, ayaw ko ng magpapalit palit or kumilala ng panibagong tao."
Isinilang niya si Baby Enola noong September 8, 2020.
TINGNAN ANG BUHAY NG SINGLE MOM NA SI TRINA CANDAZA DITO: