
Mula nang magsimulang manirahan sa Siargao Island, tila napakarami nang nadiskubre ni Andi Eigenmann tungkol sa mga bagay na kaya niyang gawin, hindi bilang isang aktres kundi bilang isang ina, partner, at vlogger.
Sa latest vlog ng pamilya ni Andi sa kanilang YouTube channel na Happy Islanders, mapapanood ang bago at kakaiba nilang bonding.
Sa kanyang intro, binanggit ng celebrity mom na hindi madalas na lumalabas ng bahay ang pamilya nila kapag sumasapit na ang gabi. Ngunit para sa isang kakaibang activity at family bonding na matagal na nilang gustong subukan, lumabas sila at i-enjoy ang kanilang special night.
Pagbabahagi niya, “We don't normally do videos at night obviously because we don't go out. But tonight is an exception because we have a fun activity and I'm so excited."
Dagdag pa niya, "It's my first time to do it and I've been wanting to do it for the longest time. Dahil full moon, it means kami ay “mangangayabang” o magka-crab hunting."
Bago mag-crab hunting, kasama ang partner niyang si Philmar Alipayo at dalawang anak nila na sina Lilo at Koa, nagdinner muna ang pamilya ni Andi.
Sa isang parte ng vlog, sinabi ni Andi na hindi pa siya nagsisimulang mag video ay nakakuha na agad ng crab ang kanyang partner.
Tinapos naman ng celebrity mom ang kanilang vlog sa ilang pasilip na eksena para sa susunod nilang content, ang pagluluto ng kanilang nakuha at nahuling mga kayabang o crab.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 55, 100 ang views ng kanilang crab hunting vlog.
Panoorin ang latest vlog ng Happy Islanders sa video na ito:
SILIPIN ANG SIMPLE ISLAND LIFE NI ANDI EIGENMANN AT NG KANYANG PAMILYA SA GALLERY SA IBABA: