GMA Logo Kylie Padilla and Alas Joaquin
Celebrity Life

Kylie Padilla is one proud mom as she shares son Alas Joaquin's Moving-Up photo

By Aimee Anoc
Published June 4, 2023 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Alas Joaquin


Kylie Padilla sa kanyang panganay na si Alas: "Proud of you."

Isang proud mom si Kapuso actress Kylie Padilla nang ibahagi ang photo mula sa moving up ceremonies ng panganay na anak na si Alas Joaquin.

Sa Instagram, ipinakita ng aktres ang graduation photo ng 5-year-old na anak mula sa Achievers Academy of QC, Inc. Sulat niya, "Proud of you."

A post shared by ☽ k y l i e ☽ (@kylienicolepadilla)

Ilan sa celebrities na bumati sa bagong achievement na ito ni Alas ay sina Andrea Torres, Mariel Padilla, Sophie Albert, at ang kapatid ni Kylie na si Queenie Padilla.

Ipinanganak ni Kylie si Alas noong August 4, 2017, na sinundan ng isa pang anak na lalaki, si Axl Romeo, noong December 2020 naman.

Sa isang post, tinawag ni Kylie na "Best boys" ang dalawang anak. Para sa aktres, "iba pa rin ang pakiramdam ng fulfillment ng pagiging nanay," lalo na't isa siyang working mom.

TINGNAN ANG SWEET MOMENTS NI KYLIE PADILLA KASAMA SINA ALAS AT AXL SA GALLERY NA ITO: