GMA Logo Alfred Vargas  with Yasmine and Aryana
Celebrity Life

Alfred Vargas naging emosyonal sa graduation ng anak na si Aryana: 'Grabe ang iyak ko!'

By Gabby Reyes Libarios
Published June 7, 2023 10:50 AM PHT
Updated June 7, 2023 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Alfred Vargas  with Yasmine and Aryana


May isang hiling lang si Alfred sa kanyang dalagita: "She's very close to her Mom. They're like best friends. As long as this remains, Daddy will have his peace of mind."

Hindi na napigilan ni Alfred Vargas na maging emosyonal habang pinapanood ang kanilang anak na si Aryana Cassadra na nagmamartsa sa kanyang graduation kamakailan.

Para sa mga hindi nakakaalam, si Aryana ang pangalawang anak nina Alfred at Yasmine. May dalawa pa silang anak, ang panganay na si Alexandra Milan at ang bunso na si Alfredo Cristiano IV.

Ipinost ni Alfred sa kanyang Instagram ang kanilang proud moment bilang mga magulang. Kasama ng naturang video, inihayag ng tatay ang isang touching na message para sa kanyang dalagita.

"To our daughter Aryana, mahal na mahal ka namin.

"Right from when you were a little kid and until today, you have only given us reasons to smile and hold our heads up in pride.

"We're so lucky to have you in our life. We're so proud of you.

"Be fearless in dreaming big. Remember to go after what makes you happy. And stay humble and help others along the way. Always share your talents.

"It takes courage to grow up and become who you are. But never fear.

"Take comfort in the fact that your Mother and I will always be here, cheering for you and believing in you, no matter what.

"Congratulations, anak. High school ka na!"

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial)


Sa kanyang mensaheng ipinadala sa GMANetwork.com, inilarawan ni Alfred ang nakakatuwang eksena nilang mag-asawa habang pinapanood si Aryana.

"I just found myself in tears reaching for my handkerchief. But I saw Yasmine crying as well, pareho kami! So I gave my hanky to her na lang."

Napagtanto rin ni Alfred sa mga panahong 'yon kung gaano kabilis na ang paglaki ng kanyang mga anak.

"Time flies fiercely fast. I want to spend more time with my wife and kids na talaga. As in," dagdag ng ama.

Ano nga ba ang gusto ni Aryana paglaki? Ayon kay Alfred, masyadong maaga pa para malaman kung ano talaga ang gusto na kanyang anak. Pero pansin na niya na may interes ito sa Arts and sa Music.

"She's very good at drawing, like her mom. She also likes singing. She's part of the school choir."

A post shared by 🌸 𝐘𝐚𝐬𝐦𝐢𝐧𝐞 𝐄. 𝐕𝐚𝐫𝐠𝐚𝐬 🌸 (@yasmine_vargas2307)


Kahit na excited siya para sa bata, gusto ni Alfred na i-enjoy ni Aryana muna ang kanyang high school life, bago mag-focus sa kung anong kurso sa college ang kanyang nais pag-aralan.

"Too early to tell pa now what she wants to be. I found out mine when I was in college na. I told her to take her time and explore muna before she decides."

Ngayong 11 na si Aryana at mas marami na rin siyang makikilala at makakasalamuhang tao, babae't lalake, pag tuntong niya ng high school, may pinangangambahan kaya ang protective father?

Pabirong hirit ni Alfred, "She's very close to her Mom. They're like best friends. As long as this remains, Daddy will have his peace of mind."

NARITO ANG MGA PHOTOS NA NAGPAPAKITA NG PAGIGING PROUD FAMILY MAN NI ALFRED VARGAS: