
Si Buboy Villar ay mayroong dalawang anak sa kanyang ex-partner na si Angillyn Gorens.
Kamakailan lang, ibinahagi ni Angillyn sa kanyang Instagram account ang ilang larawan habang kasama niya ang panganay na anak nila ni Buboy na si Vlanz Karollyn.
Makikita sa isa sa mga larawan ang certificate na nagpapatunay na American citizen na rin si Vlanz.
Sa huling larawan ay makikita pang may hawak na American flag ang anak nina Buboy at Angillyn.
Mababasa sa caption ng ex-partner ng comedian-actor, “Congratulations my love you're now an American citizen. I love you my love [heart emoji].”
Minsan nang sinabi ni Buboy na sa Pilipinas pa rin maninirahan ang kaniyang mga anak.
Ipinaliwanag niya rin ang dahilan kung bakit inaasikaso ni Angillyn ang American citizenship ng kanilang mga anak.
Ayon kay Buboy, "Dito na talaga sila sa Pilipinas for good. Ginawa lang U.S. citizen ang anak ko in case lang kapag merong matatakbuhan ba. Para sa future, mas okay, mas mawalak 'yung ginagalawan nila,” paliwanag ni Buboy.
Si Buboy ay kasalukuyang napapanood sa telebisyon at online bilang isa sa hosts ng noontime show na Eat Bulaga.
KILALANIN ANG ADORABLE KIDS NI BUBOY VILLAR SA KANYANG EX-PARTNER NA SI ANGILLYN GORENS SA GALLERY SA IBABA: