
Labis ang pag-aalala ng StarStruck alumna na si Nadine Samonte sa kalagayan ng kaniyang anak na si Titus.
Sa Instagram post ng Kapuso homegrown artist last July July 15, ibinahagi nito na may mataas na lagnat ang kaniyang baby boy. Base naman sa resulta ng test sa chikiting ay negatibo ito sa sakit na COVID-19.
Kuwento ni Mommy Nadine, “Ang hirap 'pag anak mo may sakit nahihirapan ako mag-function ng maayos . Our 4th night High fever but everything is normal so weird talaga. No dengue no covid. Cbc are normal but still dito pa din kami nagpunta sa hospital kasi vomiting and diarrhea na siya tapos dehydrated na.
“Pang 4th tusok tska nasweruhan kasi nga dehydrated na hay can you imagine 'yung awa ko kay Titus. (Pwede bang ako nalang ang tusukan? ) praying for a positive result na.”
Humingi naman ng dasal si Nadine sa kaniyang followers at fans para sa agarang paggaling ng kaniyang anak.
“Pls pray for my boy and to all the kids out there na may sakit im praying for you too. We will survive this. Lord heal all the sick people pls (on the positive side yes nagagawa pa nya mag smile and madaldal pa din).”
May tatlong anak ang aktres sa businessman husband nito na si Richard Chua: ito ay sina Titus, Heather, at Harmony Saige. Ikinasal ang dalawa taong 2013.
Marami namang celebrities ang nakakita sa post ni Nadine at hiling din na guminhawa na ang pakiramdam ni Titus.
Nakatakdang magbalik sa pag-arte si Nadine Samonte via the soap na The Missing Husband kung saan pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Jak Roberto, Sophie Albert, at Joross Gamboa.
SILIPIN ANG TAHIMIK NA BUHAY NI NADINE SAMONTE DITO: