
Idinaan ni Camille Prats sa Instagram ang kanyang payo para sa mga kapwa niya magulang.
Sa video na in-upload ng Kapuso actress-host, makikitang kasama nila ng asawa niyang si VJ Yambao ang kanilang mga anak na sina Ice, Nathan, at Nala habang nag-eehersisyo.
Sa kanyang caption, ibinahagi ng celebrity mom kung gaano kahalaga para sa kanya ang bawat oras na kapiling niya ang kanyang pamilya.
Aniya, "We have the greatest influence towards our children. Spend more time with them, get to know their thoughts, make them feel comfortable in telling you things. Appreciate them. We don't have them forever so let's not waste every opportunity to model to them what we want them to learn because it'll pass."
Samantala, kamakailan lang ay nagpunta ang Yambao family sa isang kilalang resort sa Cebu.
Sa video na ibinahagi ni Camille, mapapanood na all-smiles ang kanyang mga anak habang sinusubukan ang horse back riding.
"A day spent with the [horses] at @kendayaresort. The kids couldn't get enough of it," sulat niya sa kanyang caption.
TINGNAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA VJ YAMBAO AT CAMILLE PRATS SA GALLERY NA ITO: