GMA Logo sylvia sanchez
SOURCE: @sylviasanchez_a (IG)
Celebrity Life

Sylvia Sanchez, masayang natupad ang hiling para sa kanyang anak na si Arjo Atayde

By Abbygael Hilario
Published July 28, 2023 11:38 AM PHT
Updated July 28, 2023 3:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

sylvia sanchez


Sylvia Sanchez kay Maine Mendoza: "Matagal na kitang minahal at itinuring na isang tunay na anak."

Hindi napigilan ng aktres na si Sylvia Sanchez na maging emosyonal sa nalalapit na kasal ng kanyang anak na si Arjo Atayde sa fiancé niyang na si Maine Mendoza.

Sa social media, ibinahagi ni Sylvia ang ilang mga larawan kasama si Maine na kuha mula sa kanyang pajama-themed bridal shower.

Ayon sa batikang aktres, lubos ang kanyang kasiyahan nang matupad ang hiling niya para sa kanyang mga anak.

"Ito ang isa sa mga dasal ko bilang INA na makasundo ng Pamilya ang mapapangasawa ng mga anak ko. Masaya ako at nagpapasalamat dahil ibinigay ng DIYOS ang panalangin kong ito," sulat niya sa kanyang caption.

Nag-iwan din ng mensahe si Sylvia para sa kanyang magiging manugang na si Maine.

Dagdag niya pa, "Matagal na kitang minahal at itinuring na isang tunay na anak mula ng minahal mo ang anak kong si Arjo @mainedcm. Ngayon, hayaan mo naman akong iparamdam sayo ng buong buo ang pagmamahal at pagtanggap sayo bilang isang tunay na anak, gaya ng ipinaramdam sa akin ng mga biyenan ko.Tara na! Mag Yes, I Do ka na para selyado na.
Love you Menggay."

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Samantala, sa comments section ay nagpasalamat naman si Maine sa ina ni Arjo.

"Waaaaah love you tita! Thank you so much for everything," komento .

Nakatakdang ikasal sina Maine at Arjo ngayong 2023, isang taon matapos ang kanilang engagement.