GMA Logo Pancho Saab Magalona and Vito
Celebrity Life

Saab Magalona, naging emosyonal sa first day of school ni Pancho

By EJ Chua
Published August 10, 2023 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Pancho Saab Magalona and Vito


Saab Magalona sa bagong milestone ng kanyang 'miracle boy': “What a milestone. We are so happy for you, Puddy.”

Nito lamang nakaraang buwan ng Hulyo, ibinahagi ng celebrity mom na si Saab Magalona na natanggap sa isang regular school ang eldest son nila ni Jim Bacarro na si Pancho.

Kamakailan lang, naging emosyonal si Saab matapos niyang ibahagi sa Instagram ang tungkol sa first day of school ng kanilang miracle boy.

Sulat niya sa caption ng kanyang IG post, ““I cried in the car after dropping him [Pancho] off. So many emotions!!! What a milestone. We are so happy for you, Puddy.”

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona)

Samantala, bago pa ito, unang ibinahagi ni Saab na labis ang kanyang pag-aalala noon sa anak kaya naisip niyang panatilihin na lang si Pancho sa loob ng kanilang bahay.

Pahayag niya, “As a mom with birthing trauma, I was skeptical and I thought of all the excuses for him to just stay home… He'll be safe if he's just at home… What if something happens and I'm not there?”

Kasunod nito, sinabi ni Saab na sa kabila ng kanyang pag-aalala ay unti-unti niyang na-realize kung ano ang makabubuti para sa kanyang miracle boy.

Sabi niya, “It's been a struggle but I know in my heart this is what's good for Pancho. This is good for me and Jim, too… I started out skeptical, now I'm excited.”

Si Saab ay loving at proud mom sa kanyang mga anak na sina Pancho at Vito.

Madalas na ibinabahagi ni Saab sa kanyang social media accounts ang milestones ng kanyang adorable sons.