GMA Logo Kiko Pangilinan Sharon Cuneta and children
Source: reallysharoncuneta (Instagram)
Celebrity Life

Sharon Cuneta at mga anak, kumpleto sa 60th birthday ng mister na si Kiko Pangilinan

By Jimboy Napoles
Published August 25, 2023 11:02 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Protesters rally in Denmark and Greenland against Trump annexation threat
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Kiko Pangilinan Sharon Cuneta and children


Kumpleto sina Sharon Cuneta at mga anak sa 60th birthday celebration ni Kiko Pangilinan.

Isang matamis na halik ang ibinigay sa isa't isa ng mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa 60th birthday celebration ng huli nitong Huwebes, August 24.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sharon ang kanyang inihandang birthday dinner para sa mister na si Kiko.

Mensahe ng batikang aktres sa asawa, “Happy birthday, my Sutart! I love you very much.”

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


KILALANIN ANG MGA LALAKI SA BUHAY NI SHARON CUNETA:

Sa isa pang post ni Sharon, makikita na kumpleto ang mga anak nila ni Kiko sa nasabing birthday dinner. Ito ay sina Frankie, Miel, at Miguel.

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Bumuhos naman ang maraming birthday messages para kay Kiko mula sa kanyang taga-suporta at mga kaibigan sa showbiz gaya nina Judy Ann Santos, Cherry Pie Picache at mara pang iba.

“Happy happy birthday kuya!!” pagbati ni Juday kay Kiko.

Samantala, mapapanood na rin sa GMA ang TV series remake ng Maging Sino Ka Man, ang pelikula na pinagbidahan nina Sharon at dating action star na si Senador Robin Padilla.

Ang nasabing remake ay pinagbibidahan ng tambalang BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco.