GMA Logo sexbomb aira bermudez
Source: airabermudez (Instagram)
Celebrity Life

Ex-SexBomb member Aira Bermudez, nagdadalamhati sa pagpanaw ng ina

By Jimboy Napoles
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated September 16, 2023 4:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

sexbomb aira bermudez


Pakikiramay sa 'yong pamilya, Aira Bermudez.

Nagdadalamhati ngayon ang dancer at dating SexBomb Girls member na si Aira Bermudez dahil sa pagkamatay ng kanyang ina.

Sa social media, ibinahagi ni Aira ang larawan ng burol ng kanyang ina kalakip ang caption na, “PAALAM MAMA! I love you so much.”

A post shared by Eiraliz Bermudez-Inovero (@airabermudez)

Bumuhos naman ang pakikiramay kay Aira ng kanyang mga taga-suporta at kaibigan sa showbiz gaya ng kanyang kapwa SexBomb member noon na si Izzy Tarazona, TV host na si Allan K, aktres na si Gladys Reyes, Giselle Sanchez, sexy actor na si Sean De Guzman at marami pang iba.

“Nakikiramay ako @airabermudez pakatatag ka,” mensahe kay Aira ng aktres na si Gladys.

Hindi naman ibinahagi ni Aira ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang ina sa nasabing post.

Samantala, matatandaan na nag-viral noon ang mga hataw na dance video ni Aira sa social media at ang kanyang mga entry sa trending dance challenges.

Si Aira ay may non-showbiz husband na si Ronald Inovero na ngayon ay nakabase pa sa Australia.