GMA Logo lovely abella
Source: lovelyabella_ (IG)
Celebrity Life

Lovely Abella gives birth to first child with Benj Manalo

By Jansen Ramos
Published September 17, 2023 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

lovely abella


Ipinakita ng aktres na si Lovely Abella ang kanyang unfiltered photo matapos isilang ang baby boy na si Liam Emmanuel. Tingnan dito:

Nanganak na ang actress-entrepreneur na si Lovely Abella sa unang anak nila ng asawang si Benj Manalo.

Sa Instagram post ni Lovely ngayong Linggo, September 17, ipinakita niya ang kanyang unfiltered photo matapos isilang ang baby boy na si Liam Emmanuel.

Makikita rito na walang ayos ang aktres, at ang kanyang discoloration sa balat at stretch marks habang pinapadede ang newborn infant na realidad ng isang ina matapos manganak.

Ani Lovely, hindi niya alintana ang sitwasyong ito basta't malusog niyang iniluwal ang kanyang anak.

"Di ka man lang nagpaganda!!," panimula ni Lovely.

"Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda, ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko, ng mga oras na to wala akong kinapitan kundi ang Faith ko kay Lord na hindi niya kami pababayaan ang pagmamahal sakin ng Asawa ko @benj Pamilya at mga kaibigan ko at ang mga dasal ninyo."

Si Liam Emmanuel ay ikalawang anak ni Lovely. Mayroon siyang anak sa pagkadalaga--si Crisha Kaye na teenager na ngayon.

Ayon sa aktres, lalo niyang napagtanto ang paghihirap ng isang magulang nang ipinagbubuntis niya si Liam.

Patuloy niya, "Binigla kami ng pagkakataon, di ko alam na mararanasan ko lahat ng hindi ko naranasan sa unang anak ko, kaya ang larawan na to ay nagsisimbulo na mahalin natin ang mga nanay at mga magulang natin. Walang sinumang magulang naghangad ng masama para sa Anak."

Dagdag pa niya, "Sa darating na sabado ilalabas po namin ang Vlog namin kung gaano kahirap ang dinanas namin, pero in God's Grace napakaganda ng reward niya sa amin mapapanood niyo po sa Benly the pangga stories. Salamat po sa lahat "

Hindi madali ang breastfeeding journey ni Lovely pero pursigido siyang maibigay ang pangangailangan ng bagong silang na anak nila ni Benj.

"Itutuloy ko lang po ang pagpapa breastfeed ko sa anak ko, at hanggang ngayon hirap pa din ako mag produce ng milk, pag aaralan ko ulit hanggang sa magtagumpay ako para sa pangangailangan ng Anak ko .

"At higit sa lahat Maraming maraming salamat sa lahat ng Doctor namin ni Liam. Di ko na po kayo iisa isahin sobrang salamat at ginabayan kayo ni Lord #hanashnilovely #Manalofamily #LiamEmmanuel."

A post shared by Lovely Abella-Manalo (@lovelyabella_)

Inanunsyo ni Lovely ang kanyang pagbubuntis noong Enero, dalawang taon matapos silang ikasal ni Benj.