
Muling ibinida ni Jinkee Pacquiao sa Instagram ang kanilang engrandeng mansyon sa General Santos City.
Sa Instagram post ng maybahay ni boxing legend Manny Pacquiao noong Sabado, September 23, ipinakita niya ang kanilang malawak na pool na mala-resort na napalilibutan ng lounge chairs kung saan pwede mag-relax.
Meron ding tropical garden na nakapalibot sa pool area ng GenSan mansion ng mga Pacquiao.
Sa hiwalay na posts, ipinakita rin ni Jinkee ang iba pang spots sa kanilang bahay sa GenSan gaya ng chic dining area na ito na may wallpaper accent wall at minimalist na chandelier.
High-ceiling naman ang luxurious living area ng mansyon na napalilibutan ng malalaking glass doors and windows para pasukan ng natural light.
NARITO ANG IBA PANG LARAWAN NG GENSAN MANSION NG MGA PACQUIAO: