GMA Logo janna dominguez yzabel ablan
Source: jannadominguez77 (IG)
Celebrity Life

Janna Dominguez, nag-sorry sa yumaong anak na si Yzabel

By Aedrianne Acar
Published October 12, 2023 12:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rights groups condemn re-arrest of Nobel laureate Mohammadi in Iran
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

janna dominguez yzabel ablan


Janna Dominguez: "Lagi kong sinasabi sa lahat and very proud ako to say na si Yza ang first born child ko."

Ramdam ang hinagpis ni Janna Dominguez sa burol ng kaniyang anak na si Yzabel Ablan.

Ikinagulat ito ng publiko dahil ang pag-anunsiyo niya tungkol sa pagpanaw ng dalagang anak ay kasunod lamang ito ng pagkumpirma ng pagsilang ng baby boy nila ng partner niyang si Mickey Ablan noong October 7.

A post shared by Janna Dominguez (@jannadominguez77)

A post shared by Janna Dominguez (@jannadominguez77)

Sa isang post sa Instagram, sinabi ng Kapuso comedienne na namatay si Yza dahil “heart failure” at “lung infection.”

Samantala, sa kanyang eulogy para sa anak, inalala ng Pepito Manaloto star ang mga sandaling kasama ang stepdaughter niya kay Mickey. Ito ay mapapanood sa isang Facebook live video na kuha burol ni Yzabel kahapon, October 11.

Ayon kay Janna, si Yzabel ang nagturo sa kaniya kung paano maging isang ina.

“Lagi kong sinasabi sa lahat and very proud ako to say na si Yza ang first born child ko. Kahit hindi siya nanggaling sa sinapupunan ko, lagi ko sinasabi and ina-affirm siya na, 'Ikaw ang anak ko. Ikaw ang una kong panganay.' Kasi, siya 'yung nagturo sa akin kung paano maging nanay.”

The family of Janna Dominguez and Mickey Ablan

Inilarawan din ni Janna ang anak bilang “masunurin”.

Kuwento niya, “Alam niya na hindi ako perfect mom. Lagi ko sinasabi sa kaniya 'yun na, 'Anak, hindi ako perfect mommy na hinahanap mo, pero I will do my best para maging mabuting nanay sa 'yo, sa mga kapatid mo.

"Never ko na napalo 'yan.Sobrang bait, sobrang nakikinig talaga…. Pero itong si Yza sobrang bait, nakikinig talaga sa'yo, sobrang bait niya.”

Pagpapatuloy ng actress-comedienne, “Alam ko may hinaing siya, na nao-open up, may mga pagkukulang ako bilang nanay din. Kasi, hindi ako sometimes affectionate, hindi ako masyado showy, touchy. Gusto ko kasi tough love, gusto ko sila turuan na maging matapang sa mundo na 'to. Kasi, hindi naman all goodness ang meron dito sa mundong ito, 'di ba?”

Humingi rin ng tawad si Janna kay Yza na wala siya sa tabi nito sa mga huling sandali.

“Isa lang sa mga regret namin na nung nangyari 'yun wala kami sa tabi niya nun so...”

Sa puntong ito, tumulo na ang mga luha ni Janna habang patuloy sa kanyang eulogy, “Dun ako nagso-sorry sa kaniya.

"Pero again, balik tayo sa sinabi niya, 'God above all.' 'Yun 'yung nagpapatibay sa akin ngayon, na message niya for me, na lahat ng mga tanong ko... Kasi, alam ko ganun din kayo sa puso n'yo ngayon na may questions kayo. Bakit kailangan mangyari agad ito?

“Again, share ko sa inyo, sabi niya, 'God above all'.”

Sa huli, sinabi ni Janna sa mga labi ni Yzabel, “I love you baby.”

CELEBS MOURN THE PASSING OF THEIR DEAR LOVED ONES: