
May sweet message ang aktres na si Kylie Padilla para sa kanyang bunsong anak na si Axl na nagdiriwang ng kanyang fourth birthday ngayon.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Kylie ang ilang mga larawan at video mula sa simple birthday celebration ni Axl.
Sa naturang post, makikita si Axl na nakasuot ng The Hulk costume na terno rin sa kanyang birthday cake.
“Happy birthday, love. We love you our bunso. I hope you had a good day. Buti nalang nakahabol si mama,” birthday message ni Kylie kay Axl.
Nagpaabot din ng mensahe ang actress-host na si Mariel Padilla. Aniya, “Awwww happy birthday Axl!!”
Si Mariel ay ang asawa ngayon ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.
RELATED GALLERY: Kylie Padilla spends QT with sons Alas and Axl
Si Axl ay bunsong anak ni Kylie sa kanyang ex-husband na si Aljur Abrenica. Ang kanilang panganay ay si Alas na ngayon ay six years old na.
Samantala, mapapanood naman muli si Kylie bilang Amihan sa inaabangang Encantadia Chronicles na Sang'gre sa 2024.