GMA Logo Jolo Revilla and Angelica Alita-Revilla
source: jolorevillaIII/FB
Celebrity Life

Jolo Revilla and wife Angelica Alita welcome their baby girl

By Kristian Eric Javier
Published February 1, 2024 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Jolo Revilla and Angelica Alita-Revilla


Congratulations, Jolo and Angelica!

Ipinanganak na kahapon, January 31, ang baby girl ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla at asawa nitong si Angelica Alita-Revilla.

Sa isang statement, ibinahagi ni Jolo ang magandang balita. “Today is a very special day for us. We are very happy and grateful to announce the birth of our beautiful and healthy baby girl.”

Dagdag pa niya, “We would also like to thank everyone for their prayers and warm wishes.”

Nauna nang nag-post si Jolo sa kaniyang Instagram at Facebook pages na paparating na ang kanilang picture, kalakip ang picture nilang mag-asawa na nasa isang hospital room.

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla)

BALIKAN ANG ANNOUNCEMENT NINA JOLO AT ANGELICA NG KANILANG BABY RITO:

Sa isang live video, idinetalye ni Jolo na almost 17 hours silang nag-labor. Tinanong din ni Jolo ang asawa kung kamusta ito, at sumagot naman si Angelica na ok lang siya.

“Ako sobrang excited ko na, at alam kong excited na rin kayo na ma-meet ang aming baby girl,” sabi niya.

Inudyukan pa ni Jolo ang mga nanonood ng live na hulaan kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang “prinsesa ng unang distrito.”

“Siyempre ako, gusto ko 'yung merong resemblance ng pangalan ko at pangalan ni Angel,” aniya.

Samantala, August 2023 nang ianunsyo nila na magkakaroon na sila ng baby at sa isang gender reveal party sa parehong buwan, iipinaalam nila na magkakaroon sila ng baby girl.

“Our hearts are bursting with joy as we announce that our little bundle of pink is on her way to fill our lives with love, laughter, and endless adventures,” sulat niya sa post.

Dagdag pa niya ay hindi na sila makapaghintay na makilala ang kanilang “precious daughter” at makita siyang lumaki.

“Get ready for all things sugar, spice, and everything nice!” pagtatapos niya sa post.

Ikinasal sina Jolo at Angelica noong 2019 sa isang garden sa Pelican Hill, Newport Beach sa California. Bukod sa kanilang pamilya, kabilang din sa mga guest sina Vice President Inday Sarah Duterte at Congressman Martin Romualdez na nagsilbing ninong at ninang nila.

Panoorin ang live video ni Jolo rito: