GMA Logo chris punzalan
Celebrity Life

TikTok content creator Chris Punsalan, inalala ang best memories nila ni 'Grandma'

By EJ Chua
Published February 1, 2024 5:42 PM PHT
Updated February 1, 2024 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

chris punzalan


Binalikan ng content creator na si Chris Punsalan ang masasayang moments nila ng kanyang lola na si Grandma Anicia.

Kasalukuyang nagdadalamhati ang content creator na si Chris Punsalan dahil sa pagpanaw ng kanyang lola na si Anicia Santos Manipon o mas kilala bilang si “Grandma.”

Matapos ibahagi sa netizens ang malungkot na balita, isang video ang in-upload ni Chris sa kanyang social media accounts.

Binalikan ng Kapampangan content creator ang ilang paboritong memories niya sa kanyang mahal na lola.

Sa naturang video, mapapanood ang ilang happy at kulitan moments nina Chris at Grandma.

Matutunghayan din dito ang ilang nakakaaliw at makabuluhang mga pag-uusap ng mag-lola.

Inalala rin ni Chris ang mga makabagbag-damdaming mga sinabi sa kanya ni Grandma, gaya na lamang ng pagpapasalamat ng huli sa pag-aalaga sa kanya ng kanyang apo.

Kakabit ng video ay ang caption ng vlogger na, “Some of my favorite memories with my grandma [broken heart emoji].”

Sa comments section ng latest post ni Chris, mapapansin na pati ang netizens ay labis na ikinalungkot ang pagpanaw ni Grandma.

Bago ang post na ito, nagbabala rin si Chris sa mga manlolokong ginagamit ang pagpanaw ni Grandma para manghingi ng donasyon.

Paalala niya sa publiko, "We are not asking for any donations and we did not set up a fundraiser."

Ang social media star na si Grandma Anicia ay binawian ng buhay nito lamang Lunes, January 29, 2024, sa edad na 97.

Si Grandma ay nakilala ng netizens sa pamamagitan ng vlogs ng kanyang apo na si Chris na kanya ring caregiver.

SAMANTALA, NARITO ANG ILANG NAKAAALIW NA PAMILYA NG CONTENT CREATORS: