
Nagluluksa ang Philippine showbiz sa pagpanaw ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose .
Kabilang sa mga nagdadalamhati sa pagkawala ni Jaclyn ay ang dating partner ng anak ni Andi Eigenmann na si Jake Ejercito .
Sa Instagram, kapansin-pansin na labis na ikinalungkot ni Jake ang nangyari sa aktres.
Isang lumang larawan ang ibinahagi ng aktor sa Instagram Stories, kung saan tampok ang isa sa bonding moments nina Jaclyn at anak ng una na si Ellie.
Kasama ng larawan ang isang broken heart icon, na tila nagpapahayag ng kalungkutan na nararamdaman ni Jake.
Related gallery: Cutest photos of Jake Ejercito and daughter Ellie Eigenmann
Sa hiwalay na Instagram Story, ibinahagi ni Ellie ang throwback photo nila ni Jaclyn, kung saan makikita ang isa sa kulitan moments nilang mag-lola.
Samantala, ayon sa ilang report, isa si Jake sa mga unang nagpunta sa burol ni Jaclyn.
Sa isa pang Instagram Story, makikita si Ellie na kasama ang kanyang mga magulang na sina Jake at Andi.
Ayon kay Andi, ang kanyang ina ay binawian ng buhay noong Marso 2, 2024.