GMA Logo Joaquin Domagoso
Source: jdomagoso/IG
Celebrity Life

Joaquin Domagoso, mas naiintindihan na ang mga magulang nang maging ama

By Kristian Eric Javier
Published April 30, 2024 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Joaquin Domagoso


Bilang isang ama, alam na ngayon ni Joaquin Domagoso ang mga pinagdaanan noon ng kaniyang mga magulang.

Aminado ang Lilet Matias: Attorney-at-Law star na si Joaquin Domagoso na mas naiintindihan na niya ang mga magulang ngayon na may sarili na siyang anak.

Sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, sinabi ni Joaquin na mas naiintindihan na niya ngayon ang sinasabi ng ama niyang si Isko Moreno noon tuwing nagagalit ito sa kanila.

“Na-gets ko na 'yung sinasabi ng papa ko na siya 'yung nasasaktan kapag kailangan niyang magalit sa amin. Nasasaktan siya kasi kailangan niyang magalit para maturuan kami,” kuwento niya.

Sinabi rin ni Joaquin na dati, iniisip lang niya na gusto lang tanggalin ng mga magulang niya ang “fun” sa kaniyang buhay, at na wala silang pakialam sa kaniya.

“As I grew up and now I'm a parent, I'm understanding the pain na parang kailangan kong i-discipline 'yung anak ko, kailangan ko siyang turuan ng ganito,” sabi niya.

BALIKAN ANG ILAN SA MGA DASHING PHOTOS NI JOAQUIN SA GALLERY NA ITO:

Kuwento pa ni Joaquin, may mga pagkakataon na pinagbabawalan niya ang kaniyang anak mag laro, o kaya naman ay pinapatulog niya nang maaga. Aminado rin siya na minsan, kapag aalis na siya para pumasok sa trabaho o kaya magte-taping ay ayaw niya umano umalis.

“I just want to stay there kasi iniisip ko, habang he's growing up, at least he sees more of his dad all the time. But I have to go to work now, may taping rin po,” sabi niya.

Dagdag pa ng young actor, tuwing aalis siya ay umiiyak at sumisigaw nang malakas ang kaniyang anak, at sinabing nasasaktan siya tuwing naririnig niya ito.

“Kailangan ko talagang tiisin kasi ginagawa ko 'to para sa kaniya,” sabi niya.

Ayon pa kay Joaquin ay mas naintindihan niya 'yung pain na naramdaman noon ni Isko tuwing busy ito para magtrabaho.