
Inilahad ni Diego Loyzaga ang kaniyang pangako at ang mga ayaw niya sanang maranasan ng kaniyang anak na si Hailey.
Si Hailey ay ang anak ni Diego at ng yoga teacher at model na si Alexis Suapengco.
Ikinuwento ni Diego ang kaniyang pangako para kay Hailey nang siya ay mag-guest sa YouTube channel ni Maricel Soriano.
Ani Diego, "Ipinangako ko I'll give her the life that I never had."
PHOTO SOURCE: diegoloyzaga
Paglilinaw ni Diego, lahat ng mayroon sila ay kanilang pinaghirapan.
"'Di naman ako making silver spoon, e. Everything that we have now, we worked hard for. Akala ng tao, 'Laking Australia ka naman, mayaman ka.' Hindi ako lumaking mayaman."
Ayon kay Diego, nag-aral siya sa isang public school noon sa Australia.
"First world country siya, ang baon ko one dollar, two dollars, maximum five dollars. What's that, fifty pesos, hundred pesos? Yes, I know there are going to be some viewers who will say malaki na ang fifty pesos, malaki na ang one hundred. But just to get on the bus to go to school, baon mo for the day, mahirap 'yun. Public school lang din naman ako sa Australia."
Isa raw ito sa iniiwasan ni Diego na maranasan ng kaniyang anak.
"Ang wish ko lang kay Hailey ay hindi niya maranasan 'yung ganoong hirap. Ang dami rin kasing gulo that people don't know about na pinagdaanan ko din sa Australia. I don't want her to experience that."
Dugtong pa n Diego, "Gusto ko lang maybe a little silver spoon si Hailey, nang kaunti. Protected naman nang konti."
June 8, 2023 nang unang nag-post si Diego tungkol sa kaniyang anak na si Hailey. Saad ni Diego sa Instagram caption, "The best birthday gift ever ❤️"
Panoorin ang interview ni Diego rito:
SAMANTALA, BALIKAN ANG KUWENTO NI DIEGO LOYZAGA SA FAST TALK WITH BOY ABUNDA: