
Ilang netizens at fans ang nakakapansin sa kakaibang closeness ng mag-amang sina Jake Ejercito at Ellie.
Sa social media posts ni Jake, mapapansin na parang magkaibigan sila ng kanyang anak dahil sa kakaiba nilang bonding moments at conversations.
Kamakailan lang, naging usap-usapan ang reaksyon ni Jake sa latest post ni Ellie sa Instagram.
Sa naturang post, makikita si Ellie sa tabing dagat habang kasama ang kanyang kaibigan. Sa huling parte ng video, nag-finger heart si Ellie sa harap ng camera.
Agad naman napansin ni Jake ang black nail polish ng kanyang nagdadalagang anak.
Tanong ni Jake kay Ellie, “What happened to your nails?”
Kasunod nito, napa-react ang ilang netizens sa nakatutuwang comment ni Jake.
Si Ellie ay anak ni Jake sa kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.