GMA Logo danica sotto pingris
source: danicaspingris/IG
Celebrity Life

Danica Sotto-Pingris, namana ang pagdidisiplina ng inang si Dina Bonnevie

By Kristian Eric Javier
Published May 28, 2024 3:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

danica sotto pingris


Alamin ang paraan ng pagdidisiplina ni Danica Sotto-Pingris, na nakuha niya sa kanyang inang si Dina Bonnevie.

Para kay Danica Sotto-Pingris, isa sa pinaka-challenging bilang isang magulang ay ang pagdidisiplina sa kaniyang mga anak, lalo na ngayong nasa digital age na ang lahat.

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, ipinaliwanag ni Danica kung bakit niya nasabing naka-apekto ang digital age sa pagdidisiplina ng mga bata.

Aniya, “Before 'pag sinabing 'No,' no. Ngayon, 'No.' 'Why?' You have to explain. 'Di mo na sila mauuto because they can already find the answers online kahit hindi mo sila masyado i-expose sa bahay, they meet a lot of friends na exposed din sa digital age.”

Aminado naman si Danica na hindi dapat mahuli ang mga bata sa technology, ngunit gusto pa rin niyang ma-apply ang disiplinang natutunan niya mula sa kaniyang mga magulang.

“Kumbaga, let's meet halfway, pagsamahin natin 'yung natututunan natin from this generation, from the millenials, 'tapos ito na ngayon, mga Gen Z,” sabi niya.

Samantala, kamakailan, naikuwento ni Dina sa Fast Talk with Boy Abunda na sobrang disciplinarian siya sa mga anak niyang sina Dina at Oyo Sotto. Panoorin dito:

Kaugnay nito, malaking tulong daw kay Danica ang isang paraan ng pagdidisiplina sa kanila ni Oyo ng kanyang inang si Dina Bonnevie, na nagagamit niya ngayon sa kanyang mga anak.

“Siguro sa akin, ang parang medyo nadala ko hanggang ngayon na even my kids said, 'You're like Mama D,' parang hindi ako isang pabili lang, go.”

Ayon kay Danica, kahit kaya nila ibigay ng asawa niyang si Marc Pingris ang gusto ng mga anak, gusto pa rin niyang ituro sa mga ito ang halaga ng pera at ng pagtatrabaho para dito.

“Yun 'yung tinuro sa akin ng mom ko. Growing up, naiinis ako sa kaniya kasi parang feeling ko, 'Grabe, parang ang kuripot naman ni mommy,' ganito ganiyan,” pag-alala ni Danica.

Pagpapatuloy ng aktres, “Pero she was just teaching me para balang araw, 'pag nagka-family na ako at wala na ako sa poder nila, I would know how to handle things, hindi ' yung parang sabi nga nila 'yung parang lumaki ka lang ng anak mayaman, nakaranas ka ng konting hirap, bumigay ka na.”

BALIKAN ANG MOMMY-DAUGHTER PHOTOS NINA DANICA AT DINA SA GALLERY NA ITO:

Bagamat patuloy pa rin niyang itinuturo ito sa kaniyang mga anak, inamin ni Danica, "Minsan may time na parang umokontra pa sila, e.” Pero kahit ganun, sinusubukan pa rin niyang i-apply ang mga natutunan mula sa kanyang Mommy Dina.

Pakinggan ang buong interview ni Danica dito: