GMA Logo Heart Evangelista and Chesi
Celebrity Life

Heart Evanglista, supportive stepmom sa first prom ng anak ni Chiz Escudero na si Chesi

By Kristian Eric Javier
Published June 9, 2024 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Park Ji Hoon is coming to Manila in 2026
Hoopster from Pavia, Iloilo is NCAA 101's Most Valuable Player
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Heart Evangelista and Chesi


Full support si Heart Evangelista sa stepdaughter na si Chesi sa kaniyang first-ever prom.

Aminado ang Kapuso actress at global fashion and style icon na si Heart Evangelista na meron siyang magandang relasyon sa mga anak ng asawang si Senator Chiz Escudero. Sa katunayan, hands-on pa ang aktres at ipinakita ang suporta sa first prom ni Chesi.

Nag-post si Heart ng Instagram Reel kung saan pinapakita niya ang buong paghahanda ni Chesi para sa kaniyang prom. Dito, makikita ang pagiging hands-on stepmom ng fashion icon sa hair and makeup ng dalaga.

“Our baby is now [a] lady!,” caption ni Heart sa kaniyang post.

Dagdag pa ng aktres, “Our darling @yooniverse_c7 Chesi surrounded by her friends and loved ones as she officially goes to her first prom.”

BALIKAN ANG FAMILY HOLIDAY NINA HEART AT CHIZ KASAMA ANG MGA BATA SA GALLERY NA ITO:

Makikita rin sa video na ang date niya para sa prom ay nag Sparkle actor na si Bryce Eusebio na sinusuotan si Chesi ng corsage at nag-aabot ng bouquet ng flowers.

Nag-post din si Bryce ng ilang photos niya at ni Chesi sa kaniyang Instagram page, kung saan caption niya rito, “Unforgettable.”

Sa caption, sinabi rin ng aktor, “[F]irst pic is me being nervous.”

A post shared by Bryce Eusebio🇵🇭 (@bryce_eusebio)

Noong Mother's Day, May 12, inamin ni Heart na nagkaroon siya ng kaniyang ikaapat na miscarriage, ang baby boy nila ni Chiz na pinangalanan niyang Francisko.

Sulat niya, “A few days ago our baby boy's heart stopped beating. This will be our [fourth] angel.”

Ayon pa kay Heart, isa sa pinakamalaking heartbreaks para sa kaniya ang pagkawala ng isa pa nilang anak.

Noong 2018 nang unang ipaalam ni Heart ang pagkawala ng kaniyang twin babies dahil din sa miscarriage. Sa episode naman ng Fast Talk with Boy Abunda noong March ipinaalam niya at ni Chiz ang pagkawala ng isa pa nilang anak noong Pebrero.

Tingnan ang post ni Heart dito:

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)