
Hindi maipagkakailang isa si Dingdong Dantes sa mga pinakaabalang celebrity ngayon sa showbiz. Bukod kasi sa pagiging isang actor, producer, at director, isa rin siyang asawa, ama, at military reservist.
Sa Father's Day episode ng GMA Pinoy TV podcast noong June 14, sinabi ni Kapuso Primetime King Dingdong ang sikreto niya kung paano nababalanse ang pagiging isang aktor at family man.
“Ang secret diyan, alam mo, 'yung priorities and para sa akin, malinaw na ang priority ko ang family ko at lahat ng mga gagawin ko ay nakapalibot doon sa priority na 'yun,” sabi niya.
Ayon pa kay Dingdong, oras na dumating ang pagkakataon na maapektuhan ang oras niya para sa pamilya ay mag-a-adjust siya.
Tungkol naman sa pagiging ama sa dalawang anak nila ni Primetime Queen Marian Rivera, sina Zia at Sixto, sinabi ni Dingdong na ang best part ay “you still learn every day.”
Paliwanag niya. “Akala mo alam mo na lahat as a father, but no, you'd be surprised that there are new discoveries every time because you will be faced with new challenges every time, every new chapter of your children's development."
Pagpapatuloy pa Family Feud host, “Parang 'yung problema mo nu'ng pinanganak sila, maaaring masaya ka tapos na 'yun, pero meron at merong bagong darating which you will have to overcome also.”
BALIKAN ANG SWEET VALENTINE'S CELEBRATION NG DANTES FAMILY SA GALLERY NA ITO:
Samantala, matatawag naman ni Dingdong na isang tandem ang parenting style nila ni Marian sa kanilang mga anak dahil mayroon silang “united, strong front.”
“Kailangan talaga, solid kami and ganun talaga. Kasi, 'pag klaro naman 'yung values, kapag klaro naman 'yung direksyon, mas madali para sa lahat; and 'yun 'yung gusto ko sa aming samahan dahil we treat it really like a partnership,” sabi niya.
Nang tanungin ang award-winning aktor tungkol sa pagiging disciplinarian, sinabi niyang mas ang asawa niyang si Marian ang disciplinarian sa kanila dahil madalas siyang wala sa bahay. Ngunit nagbago ito nang maging mas busy ang aktres sa kaniyang serye na My Guardian Alien.
“Pero ngayon na siya 'yung busy kasi nagte-taping siya e, ako 'yung madalas sa bahay, e sinusubukan ko maging disciplinarian, pero hindi. Ano naman sila, very very well-trained,” sabi ng aktor.
Pakinggang ang buong episode ng podcast dito: