
Isang proud mom si Yasmien Kurdi sa kanyang dalawang anak na babae na sina Ayesha Zara at Raya Layla.
Hilig ng The Missing Husband actress na ibahagi sa social media ang cute photos, milestones, at ilan pang tungkol sa kanyang mga anak.
Kamakailan lang, isang reel ang in-upload ni Yasmien, kung saan mapapanood na mag-isang nag-makeup si Ayesha noong siya ay bata pa.
Ayon kay Yasmien, nag lock si Ayesha sa isang room at doon niya inayusan ang kanyang mukha upang magmukha raw siyang si Elsa, isa sa mga karakter sa palabas na Disney movie na Frozen.
Mapapanood na tila ipinaglalaban pa ni Ayesha ang inaakalang niyang magandang make up.
Sa comments section ng post ng StarStruck alumna, mababasa ang positive reactions at comments ng netizens tungkol sa kakulitan ni Ayesha.
Narito ang ilan sa kanilang naging komento:
Samantala, sina Ayesha at Raya ay mga anak ni Yasmien sa kanyang non-showbiz partner at pilot na si Rey Soldevilla.