GMA Logo Elvis, Alexa, Aria, Ezra Gutierrez
Source: life.of.guti (IG)
Celebrity Life

Elvis Gutierrez, may pangako sa kanilang mga anak ni Alexa

By Kristian Eric Javier
Published August 6, 2024 2:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Elvis, Alexa, Aria, Ezra Gutierrez


Sa pagkawala ni Alexa Gutierrez, isang pangako ang binigay ni Elvis Gutierrez sa kanilang mga anak. Basahin dito:

Isang pangako ang binitawan ni Elvis Gutierrez sa mga anak niyang sina Aria at Ezra nang pumanaw ang asawa niyang si Alexa Gutierrez.

Sa Instagram, nag-post si Elvis ng ilang litrato niya kasama ang mga anak, at isang litrato kung saan kasama nila si Alexa.

Caption niya sa post, “I promise to walk with you hand in hand in this journey called Life, with your mom's guidance from the stars and the heavens above. I love you so much Aria and Ezra.”

A post shared by Elvis Gutierrez (@life.of.guti)

Sa isang video post, ipinakita naman ni Elvis ang inurnment service para kay Alexa kung saan inilagay nila ang urn kasama ng kanyang ina na si Ma. Carmela V. Uichico.

Caption ni Elvis sa kanyang post, “She is completely healed in God's arms.”

A post shared by Patricia Contreras-Uichico | Campermamma (@patricia.uichico)

BALIKAN ANG MGA LARAWAN NI ALEXA SA GALLERY NA ITO:

Inanunsyo ng pamilya ni Elvis ang pagpanaw ni Alexa noong July 28 at sinabing nawala ito noon Sabado, July 27, dahil sa sakit na leukemia. Kinumpirma rin ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang pagkawala ng kanyang sister-in-law sa isang hiwalay na post.

Sulat ng aktres, “I am still trying to process and accept that you are no longer with us. It's so hard… Words cannot express how heartbroken and shocked I am. I love you so much my beautiful, irreplaceable Alexa. You will forever be in my thoughts and in my heart. Until we cross paths again… ”

Sa hiwalay na post ay inalala rin ng kapatid nila na si Raymond ang kanyang hipag.

Ani Raymond, “You will forever be in our hearts @alexaugutz," kalakip ang white heart emoji.

January 2024 nang unang humingi ng mga panalangin si Ruffa para sa kanyang sister-in-law na tinagurian niyang leukemia warrior para sa pakikipaglaban nito sa nasabing sakit.

Sulat ng aktres sa kanyang post, “In the face of this unforeseen adversity, she needs our prayers and support. Let's storm the heavens and pray for Alexa's complete healing."

Sinundan pa ni Ruffa ng magagandang paglalarawan kay Alexa ang kanyang post, at ipinahayag ang kanyang pagmamahal at suporta sa laban nito sa leukemia.

“We love you and will walk with you through every step of this journey. Continue to be in high spirits. You're not alone. #PrayForAlexa #LeukaemiaWarrior #MySister" pagtatapos ni Ruffa sa kanyang post.