
Inilahad ni Diana Zubiri na mananatili muna sila ng kaniyang pamilya sa Pilipinas.
Matatandaang sa Australia na naninirahan si Diana Zubiri kasama ang kaniyang asawa na si Andy Smith at kanilang mga anak. Pero ayon sa aktres, mananatili muna sila ng kanilang pamilya sa Pilipinas.
PHOTO SOURCE: YouTube: Diana Zubiri
Saad ni Diana sa kaniyang vlog, "Kuwento ko lang sa inyo na akala ko bakasyon lang ang ipinunta ko dito ng isang buwan. Akala niyo rin 'di ba?"
Kuwento pa ni Diana Zubiri, nagsimula ito sa isang guesting.
"Isang buwan lang 'yan dahil alam niyo naman si Boss Toyo pinauwi tayo dito dahil gusto natin na mag-guest dahil gusto natin magbenta sa kaniya ng anything or something. So natapos na natin 'yun."
Ayon kay Diana, nagsunod-sunod ang pagdating ng mga opportunities sa kaniya sa showbiz nang muli siyang bumalik sa Pilipinas.
"Since nandito ako, nalaman na ng mga tao na tayo ay magsi-stay, ang daming opportunity na nagpunta. Akala ko bakasyon lang ang ipinunta ko dito ng isang buwan. Akala niyo rin 'di ba? Akala nating lahat."
RELATED GALLERY: Diana Zubiri and Andy Smith's life in Australia
Dahil pansamantalang maninirahan sina Diana sa Pilipinas, nagdesisyon na silang mag-asawa na bumili ng sasakyan.
"Since I think I am staying for this another month or so, hindi pa natin sure, may mga kailangan tayo siyempre na isaalang alang. Magchi-check tayo dahil ito ang isa sa mga necessity na kailangan kong gawin.
"Bibili kami ng sasakyan kung ano lang 'yung kaya ng budget namin for now dahil since 'yun na nga mag-extend tayo. Kailangan natin pinakauna is the kotse para hindi na tayo manghihiram o magri-rent kasi ganoon din halos 'yung gagastusin."
Panoorin ang vlog ni Diana Zubiri dito:
Samantala, mapapanood si Diana Zubiri soon sa GMA Prime series na Mga Batang Riles sa GMA.