
Inilahad ni Angelica Panganiban na ipinangalan nila ang kanilang farm sa inang si Annabelle "Ebela" Panganiban.
Ikinuwento ito ni Angelica sa vlog ng kaarawan ng asawa niyang si Greg Homan at anak na si Amila.
PHOTO SOURCE: YouTube: The Homans
Ayon kay Angelica, "We're here at Ebela's Farm. Ipinangalan namin kay mama ang farm para makasama pa rin namin siya. Since hindi pa namin mapatayuan ng building si Ebela. Ebela's Farm muna."
Ikinuwento ni Angelica na pumanaw ang kanyang ina noong Agosto.
"Sa mga hindi nakakaalam, si Ebela is my mom who passed away [on] August 20th. So medyo sudden ang pang-iiwan sa atin, pero ganoon talaga."
Inilahad din ng aktres na nagpahinga silang pamilya sandali dahil sa pangyayaring ito. Sa vlog na ito ay ipinakita ni Angelica ang naging selebrasyon ng kaarawan nina Gregg at Amila.
"Nagpahinga kami dahil sa mga kaganapan recently. Life goes on. Kailangan namin i-celebrate ang life. Birthday na ni Amila. Birthday na rin ni Greg so both September celebrants sila kaya nag-decide kaming mag-celebrate dito sa farm."
Ayon pa kay Angelica, ito ay maliit na salu-salo lamang kasama ang malalapit sa buhay nila.
"Maliit na celebration lang with family and mga kaibigan lang ni Greg, mag-camp kami."
Panoorin ang vlog ng Homan family dito:
SAMANTALA, BALIKAN ANG HAPPY BABY PHOTOS NI AMILA: