
Inilahad ni Vin Abrenica ang mga realizations niya ngayong malapit na dumating ang ikalawang anak nila ni Sophie Albert.
Noong July, inanunsyo nina Vin Abrenica at Sophie Albert na masusundan na ang panganay nilang si Avianna o Ava. Ibinahagi na rin ng celebrity couple na babae ang kanilang ikalawang anak.
PHOTO SOURCE: YouTube: Vin & Sophie
Sa latest vlog nila Vin ay inilahad ng aktor ang kaniyang realizations sa pagiging ama. Ipinakita rin dito ang ginagawa nilang paghahanda sa pagdating ng kanilang bunso.
Ani Vin Abrenica napansin nilang nababawasan ang oras nila kay Ava kaya naman bumabawi sila ni Sophie Albert sa kaniya.
"Lately naging sobrang busy namin ni Bianca (Sophie), the past couple of days. Ginagawa namin 'yung cabinet, 'yung wallpapers at niri-ready namin 'yung gamit ng darating na bunso. Sa ginagawa namin nababawasan 'yung binibigay naming oras kay Ava lately. Ngayon gumagawa kami ng little ways ni Bianca para bumawi sa kaniya. Lately, I've been loving this time."
Ayon kay Vin, dahil sa bonding na ito sa panganay na si Ava ay nagkaroon siya ng realization.
"Minsan nakakalimutan ko na baby pa pala siya, she's just three."
Ikinuwento rin ni Vin ang pagmamahal niya sa pamilyang binuo nila ni Sophie. Ani Vin, "Ang sarap lang sa puso nung mga ganitong nangyayari. May parating kami na isa tapos si Ava pamahal ng pamahal sa akin araw-araw. Si Bianca rin, pamahal ng pamahal ang pamilya namin."
Dugtong pa ng aktor, "Hindi ko ma-explain pero ang sarap lang ng buhay namin ngayon. Ang sarap sarap ng buhay ko ngayon."
Inamin naman ni Vin na hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag dumating na ang kanilang bunso.
"Hindi ko alam ano ang ini-expect, pero alam ko na 'pag dumating na 'yung isa, mangangailangan 'yun ng sobrang daming oras. Malapit na 'yung panahon na 'yun. Ganoon ba talaga sa lahat ng parents na parang gusto lang namnamin kung ano mayroon kayo ngayon?"
Saad din ni Vin ang nararamdaman sa pagiging ama sa dalawang anak na babae.
"Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na I'll be a father of two girls."
Panoorin ang vlog nina Vin at Sophie dito:
SAMANTALA BALIKAN ANG MGA LARAWAN NINA VIN, SOPHIE, AT AVA RITO: