GMA Logo Vice Ganda and Nanay Rosario
Photo by:unkabogableviceganda TikTok
Celebrity Life

Vice Ganda at Nanay Rosario, may OA vs nonchalant entry sa 'Da' Dip' challenge

By Kristine Kang
Published October 10, 2024 12:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda and Nanay Rosario


Isa na namang cute video ang ginawa nina Vice Ganda at Nanay Rosario!

Good vibes ang hatid ng It's Showtime host na si Vice Ganda sa kanyang bagong dance video sa TikTok.

Bilang munting selebrasyon sa kanyang 13 million followers, kumasa si Vice sa "Da' Dip" challenge kasama ang kanyang ina na si Nanay Rosario. May twist ang kanilang entry dahil sinabayan pa nila ito ng kilalang OA vs. nonchalant challenge. Nakakatuwa ang demure na pagsayaw ni Nanay Rosario habang unkabogable naman ang energy ng comedian.

Maraming netizens ang nagbigay ng positibong reaksyon sa cute bonding moment ng mag-ina. Madalas na sinasabi kung gaano ka-cute ang Unkabogable Star at ang kanyang nanay. Sa kasalukuyan, umabot ng mahigit 4.8 million views at 392,000 reacts ang kanilang TikTok video.

@unkabogableviceganda Halina't magmalambot! #ViceGanda #Ion #ViceIon #fyp ♬ original sound - Stillman

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakita ang kulitan nina Vice at Nanay Rosario, dahil madalas silang mag-banter at mag-asaran sa YouTube channel ng It's Showtime comedian. Noong August, nag-post si Vice ng kanyang vlog kung saan bumisita siya sa bahay ng kanyang ina. Marami ang tumangkilik dito dahil sa natural na kulitan at matamis nilang interaksyon sa isa't isa. Sinasabi pa ng netizens na namana raw ni Vice ang kanyang makulit na ugali kay Nanay Rosario.

Sa ngayon, patuloy ang pagbibigay ng good vibes ng Unkabogable Star sa fun noontime program na It's Showtime, kasama ang iba pang mga host tulad nina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez, Kim Chiu, at marami pang iba.

Samantala, tingnan ang versatile looks ni Vice Ganda sa gallery na ito: