GMA Logo Miguel Tanfelix and Grace Tanfelix
Source: grace_tanfelix (IG)
Celebrity Life

Miguel Tanfelix, ramdam ang pagiging sikat ng kanyang ina online

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 3, 2025 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Backstreet Boys drop 2025 version of 'I Want It That Way' music video
P500,000 cash, jewelry lost to burglars in mall in Pavia, Iloilo
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix and Grace Tanfelix


"Nakaka-proud, nakaka-happy na nakikita ko 'yung progress ni mommy," saad ni Miguel sa kanyang inang si Grace.

Ramdam na ramdam ni Miguel Tanfelix kung gaano kasikat ang kanyang inang si Grace sa iba't ibang social networking sites.

Isa na kasing content creator ang kanyang ina na may mahigit 1.6 million followers sa Facebook.

"Ramdam na ramdam ko na kasi kahit mga artista mismo, sinasabi sa akin na, 'Pinapanood ko 'yung nanay mo,'" saad ni Miguel pagkatapos ng media conference ng Mga Batang Riles.

"Nakaka-proud, nakaka-happy na nakikita ko 'yung progress ni mommy. A month ago, nag-celebrate siya ng 1 million followers. Ngayon, magtu-two million na agad, ang bilis, kaya happy ako for her."

A post shared by Greta Garbo (@grace_tanfelix)

Sa report ni Darlene Cay sa 24 Oras noong May 2024, sinabi ni Grace na mula noong hindi na niya kailangan samahan sa taping si Miguel ay naghanap siya ng iba pang pagkakaabalahan, at yun ang pagluluto.

"One time, nagluluto ako. sabi ko, i-video ko kaya ito. Then, pinost ko sa TikTok. Nagustuhan naman ng viewers and then, more pa raw. Nagsunod-sunod na," saad niya.

Mapapanood si Miguel bilang Kidlat sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles na aarangkada na sa Lunes, January 6, 8:00 p.m.