
Ang dalawa niyang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo ang motivation ng aktres na si Kylie Padilla para maging strong at healthy ngayong 2025.
Ayon kay Kylie, mas inaalagaan na niya ang kaniyang kalusugan ngayon dahil sa mga anak niya.
"I wanna be healthier and stronger for the kids kasi siyempre, ang haba pa ng buhay nila, kailangan ako din, 'di ba?" saad ni Kylie sa panayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras.
"Tsaka ini-imagine ko pa 'pag nagkaanak na sila, siyempre, kailangan malakas pa rin ako bilang lola."
Ngayong nasa 30s na siya, may isang bagay rin na na-realize si Kylie.
"Mas nadi-discover ko 'yung sarili ko, and I'm more comfortable. Totoo pala 'yun, 'pag nag-30 ka na, wala ka nang pake doon sa maliliit na bagay," pag-amin ni Kylie.
"You find yourself more in your 30s, and mas ino-own mo na 'yung sarili mo when you're 30."
Ipinagdiwang ni Kylie ang kanyang ika-32 na karaawan noong January 25 kasama ang kanyang pamilya.
Panoorin ang buong report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras DITO:
RELATED GALLERY: Kylie Padilla's sweet moments with her kids Alas Joaquin and Axl Romeo