
Strong woman pero isang mapagmahal na ina si Camille Prats na bibida sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Mommy Dearest.
Pero hindi makakaila na marami na ring pagsubok ang matagumpay na pinagdaanan ni Camille.
"Siguro kung meron akong na-discover, importante 'yung relationship. It's not automatic na magulang ka, at anak mo 'yan, e, may relationship kayo, because there are families na sa bahay, alam mo 'yung hindi nakakapag-usap. 'Yung mga bata, takot sa magulang, or sometimes 'yung mga magulang masyadong busy, wala silang time kausapin 'yung mga anak nila," saad ni Camille sa GMA Integrated News interviews.
"I try my best, even VJ [Yambao], to really know ano 'yung nasa puso ng mga anak namin."
Ngayong ilang dekada na siyang aktibo sa showbiz, dala-dala pa rin ni Camille ang turo ng kanyang ama.
"Growing up in this industry, nakita ko kung paano 'yung ibang mga artista na mas may edad sa akin, so nakita ko kung paano sila nag-i-struggle," pahayag ni Camille.
"One thing that I realized, my dad told me this growing up, e, 'Alam mo, Anak,' sinasabi niya sa amin ito ni John [Prats], sabi niya, 'Ang pag-a-artista, hindi 'yan pasikatan, patagal 'yan.
"Ta's naisip ko, Oo nga naman kasi pagsumikat ka na, narating mo na 'yung rurok ng fame, there's nowhere to go but down. And it thought me a valuable lesson na kailangan 'yung identity mo, hindi mo siya itatali sa pagiging artista."
Panoorin ang buong report ni Nelson Canlas sa 24 Oras dito:
Mapapanood ang world premiere ng Mommy Dearest sa Lunes, February 24, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prinsesa Ng City Jail.