
Tila raising an independent daughter si Beauty Gonzalez sa latest Facebok reel na kaniyang in-upload sa kaniyang social media page.
Spotted dito ang kaniyang nine-year-old daughter na si Olivia habang siya ay walang kaarte-arteng naglalaba ng kaniyang sariling mga damit.
The adorable mother-daughter moments of Beauty Gonzalez and Olivia that will melt your heart
Maririnig sa video ang boses ng asawa ni Beauty at daddy ni Olivia na si Norman Crisologo na kinakausap niya ang huli sa kalagitnaan ng kaniyang paglalaba.
Ang labada duties ng celebrity kid ay labis na kinagigiliwan ngayon ng netizens pati na rin ng fans ng kaniyang mommy na si Beauty.
Bukod sa nakatutuwang comments, umani rin ng papuri ang pamilya ng Kapuso actress mula sa mga nakapanood ng video.
Marami ang naka-relate at humanga sa pagtuturo nina Beauty at Norman ng mga gawaing bahay sa kanilang anak sa murang edad nito.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 2.2 million views ang video ni Olivia na tampok ang kaniyang laundry duties.
Samantala, bukod naman sa mommy duties ni Beauty kay Olivia, abala rin ang aktres ngayon bilang isa sa cast members ng Prinsesa ng City Jail.
Related Gallery: 'Prinsesa ng City Jail' holds media conference: All you need to know