
Kinaaliwan ng netizens, followers, at maraming fans ang recent bonding moment nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, at kanilang baby girl na si Dylan.
RELATED GALLERY: Dennis Trillo and Jennylyn Mercado's daughter Dylan Jayde is a cutie!
Suot ang kaniyang Moana-inspired outfit, looking cute si Dylan habang nakikipaglaro at nakikipagkulitan sa kaniyang mga magulang.
Mapapanood sa video na in-upload ni Jennylyn sa social media na sobrang excited at happy ang celebrity baby kanilang play date.
Tanong ni Jennlyn nung pumasok siya sa kwarto ng kanilang anak, “Where is baby Moana?”
Lalo pang natuwa si Dylan nang makita ang kaniyang daddy na si Dennis habang papalapit sa kanya at ibinibida ang kaniyang Maui look at costume.
Mapapansin sa ilang parte ng video na matching outfit sina Jennylyn at Dylan dahil nakasuot din ng Moana costume ang celebrity mom.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 360,000 views at 24,000 likes ang video nila sa TikTok.
@jenmercado15 Playing dress up with my baby Moana and.... Maui?! 🤣😝 @Dennis #dylanjaydeho #babylove #cutie #mylove #MauiHo #dennistrillo #jennylynmercado #fyp #foryou #viral ♬ original sound - Jen Mercado
Ang adorable kid na si Dylan ay ipinanganak noong 2022.
Samantala, magsama at magkasabay na mapapanood sina Dennis at Jennylyn sa upcoming GMA series na Sanggang Dikit.