
Isa si Kapuso actor Jak Roberto sa mga dumalo sa Denim and Diamonds Party na isang thanksgiving event para sa 7th anniversary ng GMA Network.
Dumalo dito ang mga Kapuso stars, GMA Network executives, at pati na mga advertisers sa network.
"Ngayon na lang ulit nagkaroon ng event after ilang months din 'di ba? Malapit na rin 'yung gala. Good, good. Happy to be here and excited to meet our bosses," pahayag ni Jak.
Ito ang una niyang interview matapos ang breakup nila ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at hiniling ni Jak na huwag na lang itong pag-usapan.
Nasa nasabing event din si Barbie pero hindi na sila nag-abot dito.
Sa ngayon, marami daw ipinagpapasalamat si Jak tulad ng ipinapagawa niyang bahay na malapit nang matapos.
Nagpapasalamat din si Jak sa suportang natatanggap mula sa kapatid at kapwa Kapuso star na si Sanya Lopez.
"Teary-eyed pa eh. Ramdam ko siya kasi talaga naman we've been through a lot. Ngayon 'yung time na parang noong adult kami, tinitignan namin, parang na-achieve 'yung dreams namin. Together and parang supporting kami sa isa't isa, nakukuha namin 'yung mga gusto naming pangarap," lahad ni Jak.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Jak na may bagong proyekto siyang pinaghahandaan kaya todo na muli ang kanyang pagwo-workout.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaaas.
SAMANTALA, SILIPIN ANG MGA KAPUSO STARS NA DUMALO SA DENIM AND DIAMONDS PARTY DITO: