GMA Logo marian rivera
Celebrity Life

Marian Rivera, proud sa magandang pagpapalaki kina Zia at Sixto

By Karen Juliane Crucillo
Published April 24, 2025 12:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

marian rivera


Basahin dito kung gaano ka-proud si Marian Rivera sa kaniyang mga anak na sina Zia at Sixto.

Para kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, wala nang mas hihigit pa sa makitang lumalaki nang maayos ang kaniyang mga anak na sina Zia at Sixto.

Sa isang panayam, nabanggit ng Kapuso actress na proud ito sa kaniyang mga anak lalo na nitong nagdaang Easter Sunday.

Ibinahagi ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang kanilang tradisyong magsulat ng "wish list" kada taon sa Instagram. Ngunit, ngayon kasama na nila ang kanilang mga anak.

Laking gulat ng mag-asawa nang isulat nina Zia at Sixto ang kanilang mga hiling.

"Nakaka-proud bilang nanay nila. Kasi sabi ko nga, hindi namin ine-expect yung mga sasabihin nila. Actually, no toys, no everything. Parang more on to improve themselves, to be more closer to God, tapos more time for family, ayun yung mga bucket list nila. Sabi ko nga, nakaka-proud na ganito yung mga gusto nilang mangyari sa buhay nila," sabi ni Marian.

Sa kanilang naging tradisyon, ikinuwento ni Marian na ang nais talaga nila ni Dingdong ay matutunan ng kanilang mga anak ang kahalagahan ng pamilya.

Ibinahagi din ni Marian kung ano ang kaniyang pinakapaborito bilang ina kina Zia at Sixto.

"Kapag tinitignan ko sila, napapa-proud ako at ang dami kong natututunan sa mga anak ko na hindi ko itinuturo sa kanila pero marami akog nakukuha sa kanila na parang tama, sa mundong ito kasi walang permanente. Pero yung joy and love ng family mo, forever nandiyan 'yan para sa'yo," ikinuwento nito.

Ipinagdiwang nina Marian at Dingdong ang Easter Sunday kasama ang kanilang mga anak sa Japan at nagnilay-nilay ang buong pamilya sa Ohori Park sa Fukuoka.

Si Marian at Dingdong ay ikinasal noong 2014. Ipinagdiwang naman nila ang kanilang 10th wedding anniversary noong December sa pamamagitan ng isang renewal of vows.

Ang kanilang panganay na si Zia ay ipinanganak noong 2015, habang ang bunsong si Sixto, na kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang ika-6 na kaarawan, ay ipinanganak noong 2019.

Samantala, tingnan dito ang heartwarming moments ni Marian Rivera sa kaniyang mga anak na sina Zia at Sixto: