
Masayang ipinakilala ni Ryssi ang kaniyang anak na si Anghel, ang itinuturing niyang “true angel” ng kaniyang buhay.
Sa first-ever TikTok LIVE Music Session, ibinahagi ni Ryssi sa press at guests ng event na si Anghel ang nagsisilbing inspirasyon niya ngayon sa kaniyang growing career.
Inilahad ng Filipino singer at social media influencer na tungkol sa kaniyang baby boy ang bago niyang kanta na pinamagatang "My Angel".
“[My Angel] ay tungkol po sa anak ko, 'yung love ko po sa kaniya, 'yung hopes ko sa kaniya, at saka kung paano niya po nabago 'yung buhay ko,” sabi niya.
Dagdag pa ni Ryssi, “Siya po talaga 'yung angel ko, true angel ko po in my life.”
Habang nasa stage, maraming beses niyang binanggit at ipinakilala ang kaniyang anak na present sa mismong event.
Si Ryssi ay lalo pang nakikilala ngayon bilang isang mahusay na singer sa pamamagitan ng kaniyang live na pagkanta sa TikTok.
Siya ay itinanghal na Grand Champion sa TikTok LIVE's flagship competition na Gimme The Mic noong 2024.
SAMANTALA, TINGNAN ANG SOCIAL MEDIA STARS AT KANILANG MINI-MES