
Mahigit isang linggo bago ang Father's Day, nagbahagi sa unang pagkakataon ng family photo ang first-time dad na si Tom Rodriguez.
Kuha ang litrato sa isang studio pero nakatalkod at hindi nakaharap ang kanyang partner at kanilang baby boy na si Korben.
Paliwanag ni Tom, may ilang kayamanan sa buhay na lubhang sagrado. At hindi raw ito pagatatago, kundi pagpapahalaga.
Noong November 2024 binunyag ng aktor na mayroon na siyang anak sa kanyang non-showbiz partner na dalawang taon na niyang karelasyon.
TINGNAN ANG MGA LITRATO NI TOM RODRIGUEZ KASAMA ANG KANYANG MAG-INA SA GALLERY NA ITO.