Celebrities na may pamilyang healthcare workers o frontliners

Gaya ng ibang kababayan, nag-aalala rin ang ilang celebrities ngayong may COVID-19 pandemic, hindi lamang para sa kanilang kabuhayan at kalusugan ngunit pati na rin sa kaligtasan ng kanilang mga kapamilya at kadugo na nagsisilbi ngayon bilang healthcare workers at frontliners.
Ilan sa mga artista at kilalang personalidad ay may kamag-anak na nagsisilbi sa mga ospital o kabilang sa mga ranggo ng kapulisan at kasundaluhang nagbabantay ngayong ipinapairal ang community quarantine. Ang ilan ay may kamag-anak din sa iba pang industriya na patuloy ang pagkayod at pagseserbisyo kahit na patuloy ang health crisis.
Kilalanin ang celebrities at ang kanilang kapamilyang nabibilang sa medical industry o sa mga frontliner na humaharap laban sa bantang dala ng coronavirus pandemic dito.











































